Disclaimer

Ang PinoyPsych.Org ay isang platform na ang layunin ay magsilbing hub ng knowledge sharing tungkol sa aspeto ng sikolohiyang pangkomunidad. Ito po ay LIBRE at hindi isang profit organization. Hindi po kailanman manghihingi ng donasyon o anumang favors ang PinoyPsychOrg mula sa inyo if not through a formal and official correspondence with the curator.

Ang content ng site na ito ay batay sa mga opinion, kaalaman, at resulta ng mga pananaliksik sa sikolohiya at mga kaalyadong disiplina na mahalagang malaman ng mga mambabasa. Subalit hindi po ito medical advice tungkol sa mga partikular na sintomas o kundisyon. 

Kung kayo ay may mga katanungan hinggil sa mga sintomas o kaya ay mental health condition, komonsulta sa mga registered mental health professionals, doktor, o sikolohista sa inyong lugar. Ang mga impormasyon sa site na ito ay hindi alternative o kaya ay substitute sa advice ng iyong mental health professional.

Ang mga nilalaman sa site na ito ay sinuri batay sa etika ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon, kung kaya nag-a-adhere po tayo sa prinsipyo ng BENEFICENCE (do good) at NON-MALEFICENCE (do no harm). Wala pong liability ang PinoyPsychOrg sa anumang outcomes, intended or unintended, na dulot ng paggamit sa website o sa mga impormasyong nandito, original man, cited, or linked. 

Dahil mahalaga po sa atin ang matapat, malaya at mapagpalayang sikolohiya, hinihingi po namin ang inyong tulong kung may mga impormasyon na nasa site na sa inyong kaalaman at pagtingin ay dapat baguhin o paunlarin.

Kung may mga katanungan man po o anumang mungkahi, magemail lamang po sa pinoypsychorg@gmail.com, at tutugunan namin ang inyong mensahe.

Maraming salamat!