Ano ang PinoyPsych.Org?

Ang PinoyPsych.Org ay isang platform at network na tumutugon sa pangangailangan na palawakin ang mga dayalogo at inisyatiba tungo sa pag-maximize sa disiplina ng sikolohiya para sa mga tao sa komunidad.

Bilang isang platform, nilalayon ng PinoyPsych.Org ang mga sumusunod:

  1. magsilbing repository ng mga resources patungkol sa sikolohiya at kalusugang pangkaisipan, higit nang lalo iyong mga nakakiling sa field ng ecological/community psychology as applied sa konteksto ng Pinoy at ng Pinas.
  2. maginitiate ng reflections o pagninilay at mga diskusyon hinggil sa iba’t ibang paksang sikolohikal sa pamamagitan ng mga blog discussions
  3. magtampok ng mga opinion articles, book reviews, o mga research notes mula sa mga subscribers na mag-aaral o practitioners sa larangan ng community psychology, counseling, at education. <para mag-submit, i-click ang ito>
  4. maging opportunity para sa mga community counselors at psychology practitioners na i-feature ang kanilang mga inisyatiba
  5. mag-provide ng portal para sa mga nais mag-volunteer o mag-initiate ng kanilang community advocacies
  6. mag-encourage ng mga pananaliksik sa sikolohiyang pangkomunidad

Bilang isang network naman, pangunahin sa committment ng PinoyPsych.Org ang tumulong sa mga gustong magsimula ng sarili nilang advocacies o kaya ay mag-boluntaryo sa mga existing ng gawain. Mahalaga kasi na magkaroon sila ng access sa knowledge at competencies na kailangan nila na maaaring ma-achieve sa pamamagitan ng:

  • design meetings 
  • brainstorming sessions
  • capacity building activities
  • research consultations 
  • content development

Ang bottomline ng PinoyPsych.Org ay “Sikolohiyang Lapat, Sikolohiya para sa Lahat.” 

Ang pangarap natin ay magkaroon ng responsive at inclusive na teorya at praktita ng sikolohiya na lapat sa kasalukuyang konteksto ng Pinoy (sino man) at ng Pinas (saan man) at maipadama ang sikolohiyang ito sa mga taong malayo sa serbisyo, both geographically at socioeconomically.