Ang PinoyPsych.Org

Ang PinoyPsych.Org ay isang online platform na gustong bigyang daan ang mas malawak na pag-unawa sa psychology o sikolohiyaisang disiplina ng pag-aaral na patungkol sa isip (cognition), damdamin (affect), at gawi (behavior)ng tao.

Sa platform na ito, magkakaroon ng pagbabahagi ang mga contributors tungkol sa iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa sikolohiya at iuugnay ito sa iba pang mahahalagang usapin o topics sa iba’t ibang larangan—edukasyon, politika, kalusugan, kultura, buhay pamilya, at iba pa. Sa ganitong paraan, nilalayong magkaroon ng mas inclusive at responsive na tanaw at tindig ang sikolohiya na lapat sa pang-araw-araw karanasan ng Pinoy sa mga komunidad.

Para sa PinoyPsych.Org, ang bottomline: “Sikolohiyang Lapat, Sikolohiya para sa Lahat.”

DISCLAIMER