Gender and Sexuality, Mental Health Services

Gender and Society book launching, clandestine conversations, at bakit mahalaga ang compassionate sex talks

Hayskul ako noon, fourth year, at nagbibiruan kami ng ilan kong kaibigan, “Ano ang gusto mong maging pagtanda mo?” Natatawa, sabi ko, dalawa ang gusto kong maging: una, gusto kong maging professor emeritus sa isang malaking unibersidad at pangalawa, gusto kong maging sex therapist. As of this writing, hindi ko pa technically naaabot ang dalawang biru-biruang pangarap na ito ngunit sa mga gawaing kinasasangkutan ko ngayon dahil na rin sa aking pagsasanay sa edukasyon at sikolohiya, nakakatuwang isipin na kahit papaano ay may ilang aspeto ng pangarap na ito ang nagkatotoo at siguro in a few years ay mas mabubuo.

Sekswalidad, pamilya, “Itanong Mo kay Dra. Holmes” at ang usapin ng mga mag-asawa

Bago pa man ako mapadpad sa disiplina ng sikolohiya, naiintriga na ako sa konsepto at proseso ng sekswalidad. Lumaki ako sa isang pamilya na hindi masyadong pinaguusapan ang mga isyung may kaugnayan sa sex. Ngunit, sa maagang edad, namulat ako sa kaugnayan ng intimate relationship at ng konsepto ng pamilya.

Observant ako at reflective kahit noong bata pa. Growing up in an urban poor community sa Bikol, maliit lang ang mundong ginagalawan ko noon ngunit mayaman sa iba’t ibang kuwento mula sa mga kapit bahay o ka barangay. Bakit may pattern ang ilang mag-asawa na after magaway ng todo ay magbubuntis? Bakit nagaaway ang magaasawa in the first place? At bakit nagbubuntis?–ilan ito sa mga striking questions na naglalaro sa aking isip noon, kinikiliti habang pinagmamasdan ang buhay sa aming maliit na komunidad.

Malaking bahagi rin ang paghihiwalay ng aking magulang at ang mga pansarili kong katanungan tungkol sa aking sariling identidad para mas tumaas ang aking curiosity sa usaping pangkasarian at pampamilya. Isa itong interesting point for reflection na maaari ring suriin, dahil feeling ko maaaga akong nagmature dahil sa alternative family structure na kinalakhan ko. Something that I have always seen as an asset bilang isang guro at counselor.

Noong bata pa ako, amazed na amazed din ako kay Dr. Margie Holmes kapag iniinterbyu siya sa Teysi ng Tahanan. Well, kung tutuusin rated PG ang show na ito, pero dahil nakikinood lang ako ng TV sa kapitbahay ay hindi ako makapamili ng papanoorin. Isang reyalidad na bagamat may mga babala sa telebisyon ay hindi talaga ito istriktong napagtutuunang pansin ng mga nakatatanda: usapin na magandang pag-aralan tungkol sa kung paano kinukunsumo ng Pinoy ang media.

Going back, mas tumatak sa akin sa mga tinatampok sa Teysi ng Tahanan ang mga isyung kinakaharap ng mga mag-asawa o kaya ay mga katanungan tungkol sa sarili na ibinabato ng mga televiewers. Bilib ako sa paraan kung paano sinasagot ni Dr. Holmes ang mga tanong! On the other hand, minsan naiisip ko gaano kahalaga ang pinaguusapan nila at bakit hindi ito pwedeng pagusapan sa bahay o kaya’t bakit patnubay ng magulang ay kailangan? (May upcoming series si Dr. Holmes and I can’t wait to watch it!)

Clandestine conversations, intellectual curiosity, at ang kahalagahan ng compassionate sex talks

It would be several years later bago ako magkaroon ng sarili kong sexual awakening pero yung intelektwal na interes ay nahubog sa akin lalo na noong ako ay naghayskul. Napadpad ako sa local science high school sa Naga kung saan sinanay kami na magkaroon ng bukas na kaisipan, maging mapanuri, maging curious, at maging competent sa paghahanap ng mga kasagutan sa aming mga curiosities. Mahilig akong magbasa at, noong mas naging sikat na nga ang Internet, ay mangalap ng mga impormasyon online. Sa kabila ng mga nakakalap na sagot, we actually had more questions than answers. At ang mga tanong na ito ay mananatili hanggang ako ay magkolehiyo.

To my surprise, during whole of my college life, hindi uncommon sa ilang ka klase at kaibigan na kausapin ako o konsultahin, although pasikreto, tungkol sa mga tanong nila hinggil sa sexuality at gender. Marami sa kanila would share tungkol sa kanilang mga insecurities, fantasies, activities, and identities. Itinuring kong sagrado ang mga pagbabahaging ito.

Narealize ko noon na bagamat ang sex bilang behavior ay mahalaga at nakakacurious, mas nakakacurious ang value na inilalapat ng mga tao sa usaping ito at ang ugnayan ng sex at sexuality sa iba pang dimension ng buhay. Ganito pala kahalaga at ka seryoso ang sex at sexuality, di lang sa akin, kundi pati sa mga kaibigan ko. Lutang na lutang din ang paghubog ng iba’t ibang institusyon ng lipunan sa attitude ng tao tungkol sa mga isyung pangkasarian at sa kung paano pakitunguhan ng mga kaibigan o ng pamilya ang isang individwal batay sa kaniyang kasarian.

Sa totoo lang, nabibigla ako sa kung gaano ka daring at katapang ang mga kaedaran ko noon lalo na sa pagsubok sa iba’t ibang bagay. In most cases, marami silang kuwento na hindi ko pa nararanasan o nahihinuha man lamang! I grew up in a predominantly Catholic family kung saan hindi basta basta pinaguusapan ang sex. Kung kaya, ang nagagawa ko madalas kapag may nakikipagusap sa akin ay makinig, tulungan silang iresearch ang sagot sa tanong nila, o minsan ay hikayatin silang pumunta sa counselor at magtanong sa mga professors namin.

It is surprising though na sa napakaraming instances, mayroong sense of relief sa akin at sa mga taong nagkakausap ko in these clandestine conversations.

Ito ang nagtulak sa akin upang gawing thesis topic ang psychodynamic dimension ng male homosexuality, isang paksa na relatively less explored sa aming degree program at that time. Malaki rin ang naimbag ng aking Jesuit education kung saan kami ay hinulma “to find God in all things.” Natanto ko na totoo ito: even in the most tabooed conversations, even in the least explored aspect of our being, God is there, God uses every opportunity to make our lives better.

Totoo ito dahil sa mga kaedaran ko na nakausap ko noon, marami sa kanila ay walang makausap o mapagkwentuhan. They felt ostracized by their experience. They felt disconnected and it only took someone willing to listen to them para mabuhayan sila ng loob.

Ito rin ang panahon kung saan I have come to terms with myself and my questions. Lumubog ako sa mga araling may kaugnayan sa sikolohikal na dimensyon ng ating gendered lives–working on with materials ranging from sex and the sensorium, romantic attachment, gender identity, intimate relationships and sexual behavior. After a few years, napagalaman ko na isa ang aming thesis manuscript sa pinakabinabasa at pinakagulagulanit na manuscripts sa shelf!

Ang “Gender and Society: A Human Ecological Approach” course module at gender-responsive mental health and education

Now that I am an adult, nagtuturo ng gender and sexuality, at nagpapakadalubhasa sa counseling, kumbinsido ako na mas mapanghamon ang panahon ngayon lalo na sa pagbibigay oportunidad sa mga tao na magkaroon ng platform para sa isang intellectual, objective, and yet nurturing conversation tungkol sa ating mga desires bilang tao. More than ever, mas kailangan magkaroon ng training ang mga helping professionals kung paano tatalakayin at lalapitan ang bahagi ng ating pagkatao na sa loob ng mga nagdaang siglo ay ikinukubli madalas sa mga biro o kaya ay ipinagbabawal sa mga tahanan.

Today, we launched the course module, “Gender and Society: A Human Ecological Approach” dito sa UPLB kasama ang aking mga coauthors at co-advocates na sina Atty. Eric Paul Peralta at Dr. Teri-Marie Laude. During the forum, tanong ng isang host, “What is the ultimate goal of this book?” Maikli lang ang sagot ko: gender equity, sexual well-being, at gender responsive mental health. Mahalaga sa panahon ngayon ang mga usaping ito. Marami pa ang dapat naming talakayin, at excited ako na malaman mula sa mga taong magbabasa kung ano ang dapat pa naming idagdag sa mga susunod pang edisyon. But for now, sana, ang librong pinagtulungtulungan naming buuin, ay maging isang avenue para sa mas level-headed at compassionate conversation tungkol sa gender and sexuality at sa ating mga karanasan bilang sexual at gendered beings.


We can never thank enough our coordinator and motivator, Dr. Greg Tabios Pawilen for trusting us with this project, our research assistant Sai Saipudin for her help, at ang Rex Bookstore, Inc. sa tiwala at suporta.

Ang libro ay mabibili na sa National Bookstore, Rex Bookstores, at sa ilang University Bookstores. Para sa mga katanungan tungkol sa libro o tungkol sa sikolohiya ng gender at sexuality, mag-message lamang dito or via FB:
https://m.facebook.com/pinoypsych.

Leave a comment